?

Log in

No account? Create an account
 
 
01 January 2009 @ 05:39 am
NOTBUK  
Binigyan ako ni Digo ng notebook na nagustuhan ko ng sobra. Squarish sya, may image ng isang building (shooting up), formidable. I like.

Binili niya sa Cubao Expo.

Ang sarap haplusin ng mga pahina...sobrang puti din nila, walang nakakasakal na pahalang na linya na tila nagdidikta lagi na, dito ka lang susulat, wag ka lalagpas.

Syempre, gumuhit agad ako ng mga imahe.

Unang saloobin na naisulat ko ay:

"kwadernong ito ay
nagdulot ng lubos
na kasiyahan;
blangkong pahina na
sisilaban ng
aking pluma;
maaari ding sabihing
duduraan, sasakalin at
iiputan ng aking saloobin."

Ang sarap ng pakiramdam pag nagtatae ang isipan ko...tulad din ng pagkagiliw ko sa plumang nagtatae na animo ay umiiyak o nagdurugo...makapal ang tinta at kumakalat.